When it comes to the grade, I guess may ibang deserve naman talaga na bigyan. May iba lang talaga na makakapagtanong ka, ba't kasama siya? Pero mapapaisip ka na lang din, bahala na sila total hindi naman yan ang basehan ng pagkakaroon nga magandang buhay. Ang problema talaga ngayon ay hindi ang mga bata. Kung hindi yung paraan ng pagpapalaki sa kanila. Mga magulang kasi panay sabi, ayokong danasin ng anak ko yung dinanas ko. Kaya aawayin ang teacher kung dinisiplina ang anak kasi ayaw nyang ganun. Ang disiplina naman kasi ay ginagawa upang matuwid ang mali. As long as hindi sinasaktan yung bata. Kinakausap lang at binibigyan ng gabay. Eh anong resulta, maraming mga mag-aaral na hindi marunong magbasa, kung marunong naman hindi nakakaintindi kasi nagagalit yung ibang magulang kasi waste of time. Maraming epekto itong paraan ng pagpapalaki ng ibang magulang ng bagong henerasyon. Sana nga lang matutuwid nila ang baluktot na ugali ng mga anak nila pagdating ng panahon kasi sila lang din naman ang dahilan na maging ganyan mga anak nila. Sana lang din matutohan ng lahat ng magulang na sa murang edad ng mga anak nila ang pinaka mahalagang panahon ng paghulma ng kanilang pag uugali. Mahirap na baguhin kung sila ay nasa hustong edad na. Siguro it will change somehow the present situation in school. Ngayon transmuted ang grades. May 70 kang nakuha, tataas pa yan pag nasa E-class record. Pero hindi pa rin satisfied at sasabihin depressed kasi gusto maging honors. Hayysss. Ang taas nito nanay @romeskie. Sana nag post na lang din ako. 😂😂😂