Edukasyon Noon at Ngayon

in Tagalog Trail7 months ago

1000017417.png

Pag magko-compare ako ng education noon vs education ngayon, di ko maiwasang maisip na "Hala, dumating na ako sa point na para na akong parents ko dati pag sinasabi nilang sila dati, need pa maglakad ng mahaba para lang pumasok sa school." haha Nakakatuwa tong prompt mo @tpkidkai, nananampal ng katotohanan tungkol sa age ko. Hahaha. Pasensya na pala at mejo late ang entry ko, nawala sa isip ko ang petsa dahil nabusy ako magturo at magpa workshop.

Anyways, ano ba ang kaibahan edukasyon noon sa edukasyon ngayon. Maganda tong topic at tingin ko ay malaki ang range ng comparison ko kung iisipin ko ang difference ng turo noong ako ang estudyante vs ngayon na meron na akong bulilit na estudyante. May mga pamangkin din naman ako sa traditional schools at nakiki update din ako sa mga pagbabago ng DepEd kaya kahit homeschooling kami, masasabi kong may valid akong comparison.

Isa sa mga nakita kong difference ay ang grading system. Noon, talagang may nababalitaan akong mga kapitbahay na may line of 7 sa card. Meron ding talagang bumabagsak. May mga naririnig akong pinalo ng tatay dahil di maganda ang numbers sa card. Ang mga guro, masasabi kong accurate ang grading nila kasi kung ano man ang na-compute nila, yun ang ilalagay nila. Kita ko ang makulay na report card ng classmate kong panay absent. Yung classmate ko namang tamad gumawa ng project, parang proud pa pag nakita nyang sumabit pa syang konti sa pasado pero konting kembot na lang, ligwak na.

Ang mga kaklase ko, kita kong binibigay nila ang best nila pero ang grades nasa high 80's lang. Sobrang saya na kapag may nakakuha ng 90 pataas. Pag nasa top section ka, mataas ang expectations sayo kaya malaking challenge din ang makakuha ng line of 9. At ang makakuha ka ng 90 pataas ay masasabi mong bragging rights talaga.

Ngayong panahon, lalo na ngayong buwan, napakarami kong nakikitang nagpo-post na ang grades ng anak nila ay 98 at 99 karamihan. Digital na kasi ang chismisan at bragging ngayon eh. Kumpara noon na ang hirap pumiga ng chismis. Ang nakaabot lang sa radar ko ay 94 or 95 ang general average ng valedictorian namin.

Sobrang tataas ng grades ngayon. Tingin ko, either pagod na ang mga teachers makipagtalo sa magulang na galit na sumusugod sa school kapag mababa ang binigay sa anak nila. Kawawa ang mga teachers kasi ngayon, kasama sa responsibilities nila ang i-appease ang galit ng mga magulang. Bakit kasi sa teacher nagagalit ang magulang kapag mababa grades mg anak nila? Hindi ba dapat anak nila ang mag adjust at mag effort?

Parang ngayon, magulang na ang gini-grade-an. Lalo na noong lockdown dahil magulang ang nangungunang gumawa ng mga performance tasks ng anak nila. May running joke sa isang FB group na "Uy, ang taas ng grade ni mommy ganyan!" Nakakatawa sya, pero kung magpapatuloy na ganun, parang nawawala na yung totoong essence at purpose ng grading. Naging pang bragging na lang sya. Or kung hindi naman, yung literal na pasang awa pero mataas yung binigay na grades para lang di mapahiya sa social media.

Noon, kailangan ng estudyante na ibigay ang isandaang porsyento nila sa bawat projects bawat assignments, bawat quiz para lang ma ensure na matutuwa ang parents at ang teachers nila para mataas ang grades nila. Ngayon, parents at teachers ang nag aadjust para sa estudyante. Anjan na kasi ang social media, mas mabilis na ang payabangan ng "Yung anak ko, 99 sa Math!" "yung anak ko, puro 99 ang grades, konti na lang perfect na talaga sya."

Masasabi kong ang medals noon ay mas may impact kesa sa medals ngayon. Napaka exxagerated naman kasi ngayon. Mas marami na kasi budget pambili ng medals ngayon kaya kahit best in attendance lang, medal na agad. Most polite, bigyan ng medal yan! Haha! Dati, ribbon lang nakukuha kapag Best in Math, Science English, etc. sa recognition day. Nagbibigay lang ng medal kapag graduation at talagang best of the best. Ang medals ko, nakuha ko sa competitions na sinalihan ko. Yung mga honors nung graduation namin, bilang mo lang ang medals na nakasabit sa kanila. Ngayon, ang dami kong nakasalubong sa mall na nakasabit pa ang sampung medals nila habang naghahanap naglalakad. Accessory yarn? Hahaha

Di ko naman sinasabi na mas deserve ng estudyante noon ang mga medals at matataas na grades kesa sa mga estudyante ngayon. Ang sinasabi ko lang, ang extreme ng difference. Noon, pahirapan ang grades, ngayon, well, pahirapan din naman siguro pero parang kulang na lang yung estudyante na ang magturo sa klase sa sobrang almost perfect na ang grades nila. And this is coming from someone na kinikuhang substitute teacher kapag may meeting ang Math teacher namin. And no, hindi ako nakakuha ng 99 noon. Mataas ang grades ko, pero hindi 99. Haha.

O, diba? Naging rant yung post ko. Sorry na Mars Oli. Isa ito sa reasons kaya kami homeschooling eh. Di umiikog sa grades ang goals namin sa schooling, kaya di kami pressured sa mga grades grades na yan. :)

20210422_124054.png

Copy of Nanay Romeski (4 x 1.5 in) (2.5 x 1.5 in) (2 x 1 in) (3 x 1 in) (4 x 3 in) (2.5 x 1.5 in) (3 x 1.5 in).png

Sort:  

Sobrang totoo to. Like nun, pahirapan ka makatungtong sa stage para kabitan ng medalya. Swerte na pag may ribbon na most behave at iba pa. 😅 Yung alam mo talaga na Sila Yung matatalino sa buong klase. Now, parang lahat na Sila matalino, Ang daming medals besh. At Yung grading system natin nuon eh sobrang iba sa grading system ngayon. May sinabi Ang Kapatid ko the other day tungkol sa pag compute Ng grado now, as in Ang layo nila sa panahon natin nuon. Baka Yung mga classmate natin nun na nakakatanggap ng 70+, Ngayon nsa 80+ n Ngayon equivalent.

 7 months ago  

Diba? Naaawa kasi sila dahil sayang daw ang taon kapag di nakagraduate ng tama sa oras. Nagmamadali kasi na makapag trabaho, kumita ng pera, etc.

Ngayong ako ang nag-ggrade sa anak ko, mini-make sure ko na kung ano lang talaga ang nakikita ko, yun ang grado nya. Kasi ginagamit ko talaga yung grades nya as guide sa kung ano ang strengths and weaknesses nya, at kung ano ang dapat i-include at tanggalin sa curriculum namin. Hindi sya para ipang medal medal na ganyan. Haha

Yung awa nila panandalian lang Yun sis. Kung totoong naaawa sila sa mga bata eh di Kunin Ang k-12 system, ibalik sa dati. Dati kahit wala namang additional na 2years sa pag aaral sa high school eh nakaka produce naman ng deserving na mga students eh. At dapat yung grading system nun ibalik na rin. Mahigpit nga sa pagbibigay ng grado pero wala naman atang mafe failure kung nagtatyaga. Alam ko di lahat matalino, pero lahat matututunan kung pursigido lang. Ako hindi ako matalino pero masipag lang ako mag aral nuon. Sa ngayon kasi parang gusto nalang madali lahat. Pag nasa battle field na, nangangapa nalang dahil di nasanay at nahasa ng mabuti. Kunting problema lang, puro reklamo, give up agad.

Tingnan mo yung mga batang grabe Ang sakripisyo nuon (kahit sa sarili natin alam natin Yan 😅), they became strong. Kapag Kasi nasanay ang bata na fini feed sakanya lahat na easy nalang sa kanya for sure, reklamador yan paglaki.

HHAHAHA push lang sa rant as long as it is in Tagalog laban yan!

Ito din ang na notice ko sa mga nakaraang araw apakadami ng high honors kineme. Maganda naman na may paganyan ang kaso nga lang pagsampa nila sa kolehiyo ibang laban na mas mahirap na at malalaman nila na yung aquarium na kung saan sila lumalangoy e isang malaking karagatan pala na lalamunin sila kung di sila magaling. Kaya ayun mas matindi ang tama sa mental health kineme nila kasi akala nila ang galing na nila pero hindi parin. So diba nag rant din ako haha.

 7 months ago  

With highest honors, with high honors. Ako ngayon with high blood pressure, with high cholesterol. Chareng. Haha

Setting wrong expectations kasi sa mga bata. Akala nila tuloy kahit bare minimum lang efforts nila, high rewards ang kapalit. E hindi ganun sa life. Ayun tuloy. High anxiety, high stress levels ang kapalit ng high honors nila.

When it comes to the grade, I guess may ibang deserve naman talaga na bigyan. May iba lang talaga na makakapagtanong ka, ba't kasama siya? Pero mapapaisip ka na lang din, bahala na sila total hindi naman yan ang basehan ng pagkakaroon nga magandang buhay. Ang problema talaga ngayon ay hindi ang mga bata. Kung hindi yung paraan ng pagpapalaki sa kanila. Mga magulang kasi panay sabi, ayokong danasin ng anak ko yung dinanas ko. Kaya aawayin ang teacher kung dinisiplina ang anak kasi ayaw nyang ganun. Ang disiplina naman kasi ay ginagawa upang matuwid ang mali. As long as hindi sinasaktan yung bata. Kinakausap lang at binibigyan ng gabay. Eh anong resulta, maraming mga mag-aaral na hindi marunong magbasa, kung marunong naman hindi nakakaintindi kasi nagagalit yung ibang magulang kasi waste of time. Maraming epekto itong paraan ng pagpapalaki ng ibang magulang ng bagong henerasyon. Sana nga lang matutuwid nila ang baluktot na ugali ng mga anak nila pagdating ng panahon kasi sila lang din naman ang dahilan na maging ganyan mga anak nila. Sana lang din matutohan ng lahat ng magulang na sa murang edad ng mga anak nila ang pinaka mahalagang panahon ng paghulma ng kanilang pag uugali. Mahirap na baguhin kung sila ay nasa hustong edad na. Siguro it will change somehow the present situation in school. Ngayon transmuted ang grades. May 70 kang nakuha, tataas pa yan pag nasa E-class record. Pero hindi pa rin satisfied at sasabihin depressed kasi gusto maging honors. Hayysss. Ang taas nito nanay @romeskie. Sana nag post na lang din ako. 😂😂😂

hahaha naging rant ayos lang yan mam nasabitan ako noon best in recess 😄

True. Mas may Alam pa ang may grades nang 75 noon Kaysa sa honors ngayon.😁

Sa totoo lang talaga, parang pati yong oa na pag bumugay ng medals nong ilan, paranh di na pinapahalagahan ba, parang yong iba kasi magpasikat lang talaga ang gusto. Pero anyways, naalala ko lang noon, talagang hirap kang makakuha ng mataas na grade. And noon, may takot mga student sa teacher pero ngayon, aguyy, teacher nalang matatakot sa nga students kasi paramg kuntinf kibot rereklamo kana. Baka mapa tulfo pa nga. 😫😫

Masasabi kong ang medals noon ay mas may impact kesa sa medals ngayon. Napaka exxagerated naman kasi ngayon. Mas marami na kasi budget pambili ng medals ngayon kaya kahit best in attendance lang, medal na agad. Most polite, bigyan ng medal yan!

Tama ka, halos lahat binibigyan ng award na minsan matatawa na lang ako sa mga klase ng award na binibigay.

 7 months ago  

Haha. Hieqp kasi may socmed na ngayon, gusto ng mga parents may pics din sila na may medals ang anak nila. 😅