Diba? Naaawa kasi sila dahil sayang daw ang taon kapag di nakagraduate ng tama sa oras. Nagmamadali kasi na makapag trabaho, kumita ng pera, etc.
Ngayong ako ang nag-ggrade sa anak ko, mini-make sure ko na kung ano lang talaga ang nakikita ko, yun ang grado nya. Kasi ginagamit ko talaga yung grades nya as guide sa kung ano ang strengths and weaknesses nya, at kung ano ang dapat i-include at tanggalin sa curriculum namin. Hindi sya para ipang medal medal na ganyan. Haha
Yung awa nila panandalian lang Yun sis. Kung totoong naaawa sila sa mga bata eh di Kunin Ang k-12 system, ibalik sa dati. Dati kahit wala namang additional na 2years sa pag aaral sa high school eh nakaka produce naman ng deserving na mga students eh. At dapat yung grading system nun ibalik na rin. Mahigpit nga sa pagbibigay ng grado pero wala naman atang mafe failure kung nagtatyaga. Alam ko di lahat matalino, pero lahat matututunan kung pursigido lang. Ako hindi ako matalino pero masipag lang ako mag aral nuon. Sa ngayon kasi parang gusto nalang madali lahat. Pag nasa battle field na, nangangapa nalang dahil di nasanay at nahasa ng mabuti. Kunting problema lang, puro reklamo, give up agad.
Tingnan mo yung mga batang grabe Ang sakripisyo nuon (kahit sa sarili natin alam natin Yan 😅), they became strong. Kapag Kasi nasanay ang bata na fini feed sakanya lahat na easy nalang sa kanya for sure, reklamador yan paglaki.