You are viewing a single comment's thread from:

RE: Sarangola (a verse of sadness)

in #hiveph5 years ago

Ang sakeeeet 💔💔
Nagustuhan ko po yung paghahalintulad ng karakter sa saranggola. Nasa anyong malaya ang iyong tula kaya naiintindihan kong wala kang pamantayang sinusunod at hinahayaan mo lang ang daloy ng iyong mga salita.

Dama ko yung emosyon bagama't nalilito lang ako kung saan nagtatapos ang bawat taludtod.

Nalungkot ako sa dulo, akala ko kasi masaya ang kahihinatnan.

Naalala ko rin tuloy 'yung bf ko sa tulang ito. Siya yung saranggolang nasa malayo ngayon para maabot ang aming pangarap at ako naman ang nakahawak sa sinulid. Pero syempre, hindi ako bibitiw. Hehe

Tuloy lang po sa pagbabasa ng maraming tula at pagsasanay dahil nailagay mo na ang tamang emosyon sa bawat linyahan. Dama ko rin ang hugot at lalim ng iyong akda.

Maraming salamat po sa pagbabahagi mo ng iyong tula at sa pagsali sa ating patimpalak. Hanggang sa muli! 😊

Sort:  

https://www.facebook.com/241845999204812/posts/2061055667283827/?sfnsn=mo&d=n&vh=e

Mam may 3k views na po yan sa youtube meron din po sa Fb copy nyo lang po ung link

Kaya pala feeling ko pang spoken poetry yung datingan e. Ang galing po, lalo na pag pinakinggan yung video! ❤

Napakingan nyo na po pala 😊 salamat po 3k na din po napaiyak nun thru online wala pa po ung sa bigo community ikinikwento ko po kasi dati un sa bigo friends ko.