Akala ko wala na akong silbi sa mundo pero binuo mo ako kasi sabi mo gusto mo mahawakan ang langit sa pamamagitan ko “ikaw at ako” para maabot natin to at ginawa mong masaya ang buhay ko na akala ko wala ng halaga at sa paglipad ko para abutin ang mga pangarap natin na habang dahan dahan na pag angat sa pamamagitan ng tali ng pag asa na maabot natin at makita mo kung gaano kalayo ang mararating natin. May panahon pa ngang sinubok tayo pero kahit malakas ang hangin at lumaban sa atin pangarap pilit mo pa rin hinigpitan ang pagkakapit mo gusto mo kasi tayong makaabot sa mas mataas na makakaya natin minsan may dumating pa nga na may gustong putulin ang tali na nagdugtong sa ating dalawa pero pilit natin hinarap para pigilan at magtagumpay nung panahong yun sa totoo lang natakot ako akala ko maghihiwalay ang landas natin kasi gusto ko magpatuloy pa rin sa gusto natin marating pero bakit ganon hindi mo pinatatag ng maiigi ang pisi na nagdudugtong sa atin nang may dumating na naman na isang malakas na hangin hindi ko na rin kaya makakapit pa kasi sinadya na ng tadhana na maputol na ang naguugnay sa ating dalawa at wala na akong magawa kahit abutin ko pa ang kamay mo para mahawakan mo uli ang tali na minsan na nagdugtong sa atin para umabot tayo sa mga plano natin pero habang naghiwalay ang landas natin at habang nakikita mo akong pababa nakikita ko sayo ang panghihinayang pero talagang mapagbiro ang tadhana nakita ko naman na hinabol mo pa ako kung san ako babagsak nasa itaas ako ng puno at sumabit doon pero tinanaw mo na lang ako mula doon bakas ko sa mukha mo ang panghihinayang at inakala ko na babalikan mo ako kinabukasan para maging masaya uli tayo at magsimula ulit ako ilang araw ilang linggo ako naghintay na babalik ka pero hindi ka na bumalik at nang minsan muli kita nakita mula sa pinagbagsakan nagkaroon ako ng pag asa sa pag aakalang kukuhanin mo ako pero hindi lahat ng inaakala ko totoo nakita kitang masaya at may hawak ang pisi na dating naguugnay sa ating dalawa mula sa taas may nakita ako isang bagong sarangola na nakakapit sa pisi mo at nakita uli kitang naka ngiti tulad ng dati pero hindi na dahil sa akin dahil sa bago mong Sarangola... :(
Ang sakeeeet 💔💔
Nagustuhan ko po yung paghahalintulad ng karakter sa saranggola. Nasa anyong malaya ang iyong tula kaya naiintindihan kong wala kang pamantayang sinusunod at hinahayaan mo lang ang daloy ng iyong mga salita.
Dama ko yung emosyon bagama't nalilito lang ako kung saan nagtatapos ang bawat taludtod.
Nalungkot ako sa dulo, akala ko kasi masaya ang kahihinatnan.
Naalala ko rin tuloy 'yung bf ko sa tulang ito. Siya yung saranggolang nasa malayo ngayon para maabot ang aming pangarap at ako naman ang nakahawak sa sinulid. Pero syempre, hindi ako bibitiw. Hehe
Tuloy lang po sa pagbabasa ng maraming tula at pagsasanay dahil nailagay mo na ang tamang emosyon sa bawat linyahan. Dama ko rin ang hugot at lalim ng iyong akda.
Maraming salamat po sa pagbabahagi mo ng iyong tula at sa pagsali sa ating patimpalak. Hanggang sa muli! 😊
https://www.facebook.com/241845999204812/posts/2061055667283827/?sfnsn=mo&d=n&vh=e
Mam may 3k views na po yan sa youtube meron din po sa Fb copy nyo lang po ung link
Kaya pala feeling ko pang spoken poetry yung datingan e. Ang galing po, lalo na pag pinakinggan yung video! ❤
Napakingan nyo na po pala 😊 salamat po 3k na din po napaiyak nun thru online wala pa po ung sa bigo community ikinikwento ko po kasi dati un sa bigo friends ko.
Congratulations @mokong1883! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
You can view your badges on your board And compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @hivebuzz:
Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!
Really touching write-up. Sometimes, not all friendship or relationship are bound to last forever, no matter how hard we try to make it work.
Yes it is sad but reality right?
Yes. It's one of the many vicissitudes of life
But still we need to move on