Bagong Simula

in #tagalogtrail7 years ago

Ang maikling kwentong ito ay ginawa ko bilang kadugso ng kwentong likha ni @johnpd na
Penitensya : A Filipino Short Story in Prose para sa patimpalak ng @tagalogtrail

Dahan-dahan niyang minumulat ang mga mata hanggang sa maging klaro ang kanyang paningin. Nakita niya ang asawa na may dalang pagkain para sa kanilang hapunan.

"Gising ka na pala mahal, kumain na tayo.Pinagluto kita ng chopsuey na paborito mo para mabilis bumalik ang lakas mo",yaya ng kaniyang asawa

Habang bumabangon siya sa pagkakahiga ay napapangiwi pa siya sa sakit ng mga sugat sa paa at kamay. Mas nangibabaw pa rin ang kapayapaan sa puso niya na kahit papaano ay nabawasam ang mga pagkakasala niya.

Halos isang buwan na siyang walang permanenteng trabaho, kung minsan ay nangangalakal lamang siya ng plastik, bakal at bote para makatulong sa asawang nagtitinda naman ng gulay sa palengke. Payak lamang ang buhay nila o mas angkop na gamitin ang salitang "salat sila sa yaman" ngunit nag-uumapaw ang pagmamahal nila sa isa't isa.

"Ringgggg!", paulit-ulit na tunog ng kanyang telepono

"Hello"
"Hello,si Marie ito mula sa HR Department ng isang Mall na inapplyan ni Mr. Rogelio. Maaari po ba siyang makapanayam?", mula sa kabilang linya
"Ako po ito, ano po ba ang nais nyong sabihin?"

Di mawari ang ngiti sa kaniyang mga labi habang nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya. Tanggap na siya sa trabaho bilang taga-linis ng nasabing Mall. Sa wakas mayroon na siyang trabaho.

"Mahal, mag-uumpisa na ako bukas!",niyakap niya ang likod ng kaniyang asawa na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan.

"Sabi ko naman sa'yo mahal matatanggap ka rin, magtiwala ka lang sa Kanya"

Maganda ang naging takbo ng kaniyang trabaho kaya naman ay natuwa sa kaniya ang kaniyang mga katrabaho at amo.

Ngayon ay ika-isang buwan na niya sa trabaho, araw na ng kanilang sahod. Balak niyang surpresahin ang kaniyang asawa, bumili siya ng kaunting mapagsasaluhan. Nagtataka siya kung bakit napakadilim ng kanilang bahay kaya nagmadali siyang buksan ang pinto.

"Surprise!,", biglang bumukas ang ilaw

Pinaupo siya ng asawa sa kanilang hapag-kainan at hinain ang dala niyang pagkain kasama ng ibang niluto nito. Nagtataka siya kung ano ba ang okasyon at nakasuot din ito ng magandang damit. Masaya nilang pinagsaluhan ang biyaya ng Panginoon.

"Maligayang Anibersaryo Mahal",sabay may inabot sa kaniya ang asawa na regalong nakabalot sa isang kalahating dakal na kahon.

Nahihiya siya sa sarili at sa asawa dahil nakalimutan niya ang mahalagang araw para sa kanilang mag-asawa.Magkahalong saya at pangamba ang nararamdaman niya nang makita niya ang laman ng kahon. Niyakap niya ng mahigpit ang asawa.

"Salamat sa napakagandang regalo"
received_1913151002293011.jpeg

Napahaba ang kwentuhan nilang mag-asawa, alas dyes na pala ng gabi. Nagpasya silang matulog na dahil may trabaho pa kinabukasan.

"Tok! Tok! Tok!"
"Sino yan??Sandali lang, papunta na"

Sort:  

Hi @rodylina, thanks for using @steemph.antipolo's services I give 81% upvote for this post thanks to : @rodylina

Nice story

Yung medyo malungkot at nakakabitin na ending mukhang maganda. Gusto ko siya pero kailangan kong sumunod sa patakaran na nailatag doon at natapos nadin ang cut-off 😭 😭

Sayang lang at hindi siya umabot sa patimpalak.
Masyadong mabilis ang deadline ang dalawang sumunod na patimpalak ay aking ini edit para inyo pong masalihan din.

Ayos lang po kung hindi na umabot 😊 dahil nagawa ko na rin naman kaya ipinasa ko pa rin. Masaya na ako sa ngayon na may nakakabasa na ng sinulat ko. Hindi kagaya noon na ako lang ang nagbabasa hehehe susubukan ko ulit sumali sa susunod

Sobra pong nakakataba ng puso ang inyong mensahe @rodylina. Tunay po ang hirap para sa isang manunulat na wala man lang nakakabasa ng iyong likha.

Ang bawat akda na mayroon tayo na pinagbuhusan natin ng oras at panahon. Minsan talaga nakakadurog ng puso na wala man lang nakakabasa talaga.
Sa abot ng aking makakaya ay kinakampanya ko na mabasa ang mga likhang aking nakita at nagustuhan. Ma upvote din siguro kung meron naman silang pang upvote.

Kaya nais kong magpasalamat sa paglikha ng tagalog trail dahil mabibigyan ng pagkakataon ang mga manunulat at nais maging manunulat na maibahagi sa iba ang kanilang likha.

ano kasunod? dali!!! sulatan mo na ng kasunod. na-excite ako sa susunod na mangyayari. 😊

Pwede ba yun dugtungan ulit?

Ang galing! Kailangan kong mag level-up lalo sa mga pinagsusulat ko. Haha titigil muna ako sa mga pabebeng gawa. I don't usually resteem post but this one is truly an exemption. Great job @rodylina

Maraming salamat po @tpkidkai. Follow dn po kita para masubaybayan ko mga obra mo

Salamat po ng marami.

😊 walang ano man po