Yung medyo malungkot at nakakabitin na ending mukhang maganda. Gusto ko siya pero kailangan kong sumunod sa patakaran na nailatag doon at natapos nadin ang cut-off 😠ðŸ˜
Sayang lang at hindi siya umabot sa patimpalak.
Masyadong mabilis ang deadline ang dalawang sumunod na patimpalak ay aking ini edit para inyo pong masalihan din.
Ayos lang po kung hindi na umabot 😊 dahil nagawa ko na rin naman kaya ipinasa ko pa rin. Masaya na ako sa ngayon na may nakakabasa na ng sinulat ko. Hindi kagaya noon na ako lang ang nagbabasa hehehe susubukan ko ulit sumali sa susunod
Sobra pong nakakataba ng puso ang inyong mensahe @rodylina. Tunay po ang hirap para sa isang manunulat na wala man lang nakakabasa ng iyong likha.
Ang bawat akda na mayroon tayo na pinagbuhusan natin ng oras at panahon. Minsan talaga nakakadurog ng puso na wala man lang nakakabasa talaga.
Sa abot ng aking makakaya ay kinakampanya ko na mabasa ang mga likhang aking nakita at nagustuhan. Ma upvote din siguro kung meron naman silang pang upvote.
Kaya nais kong magpasalamat sa paglikha ng tagalog trail dahil mabibigyan ng pagkakataon ang mga manunulat at nais maging manunulat na maibahagi sa iba ang kanilang likha.