"Word Poetry Challenge #10 : Pangarap"

in #wordchallenge7 years ago (edited)

Pagbati sa lahat ng kapwa ko steemyans! Ito po ang aking orihinal na katha at opisyal na lahok para sa patimpapak ni ginoong @jassennessaj sa kanyang Word Poetry Challenge na may temang "PANGARAP".


"PANGARAP"



fantasy-2861107__480.jpg

https://pixabay.com

Lumaking salat sa piling ng karukhaan,
Kahit isang karaingan ay hindi kinakitaan.
Pagsubok sa buhay ay pilit nilabanan,
Mai-ahon lamang ang pamilya sa kahirapan.

Lahat ng pwedeng pagkakitaan ay pinasukan,
Para mapunan ang pagkalam na tiyan.
Hindi alintana ang pagod at sakit ng katawan,
May mailapag lang sa hapag-kainan.

Para may mapala ay nag ibang bansa,
Sana'y pagpalain ang dalangin sa lumikha.
Walang ibang hiling kundi ang makapag-impok,
Upang sa tahanan ng edukasyon ako'y makatung-tong.

Ito'y pang-hahawakan sa tatahakin kong landas,
Na bunga ng inyong sakripisyong dinanas.
Pagyayamin at iingatan upang di masayang,
Na siyang tulay sa pagharap sa panibagong bukas.

Bilang pasasalamat ako ay magsisikap,
Upang suklian ang lahat ng inyong hirap.
Magpakabuti at makinig sa lahat ng mga aral,
Nang pamanang "PANGARAP" ay matupad.


Maraming Salamat Po sa Pagbasa!


Kung nais lumahok sa patimpalak na ito tapikin lamang ang link na ito para sa karagdagang impormasyon Word Poetry Challenge


Steemitly yours

cradle



DQmNo7mW5tUTL97aFGdguqkmBGkUq4uGkNrmgCxBcdrwKsy_1680x8400.png

Please like @teardrops on Facebook and Twitter:


https://www.facebook.com/teardropstokens/ https://twitter.com/teardropstokens


DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpeg

Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful.
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
Support his other brainchild projects like #untalented, #steemgigs, #teardrops, #steemsecrets and #ulogs.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
Join us in Steemit Philippines | Steemph discord channel at https://discord.gg/2UghxdN
Join us in discord STEEMSCHOOLS https://discord.gg/8CRS4j4



cradle.png